Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punung-puno ng galit at pait
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban
“Louie, maglinis ka na nga ng kwarto mo! Ang kalat-kalat” umagang-umaga pero ayan na si Momsky, nag-simula ng bumaril.
Nag-ceasefire na nga kami kagabi dahil pagod siya galing sa hospital pero heto na naman ang gyera.
Medyo dumidilim na ang langit kaya hindi ko malaman kay Momsky kung bakit ngayon niya pa naisipang mag-laba.
“Mamaya na Mama, napakaaga pa! Nakakatamad mag-linis” ewan ko ba sa nanay ko at lagi pag off-duty siya eh dito siya sa bahay naman mag-duduty. Wala naman akong magawa dahil pag kinontra ko si Adolf Hitler este si Mama eh siguradong bawas na naman ang allowance ko. Ang masakit lang, baka wala pa.
Lumabas muna ako ng bahay para bumili ng yosi at dun na rin ako mag-yoyosi. Legal naman akong mag-yosi at mag-inom. Meron na akong lisensya para dito dahil 18 naman na ako. Kaso bawal sa bahay namin mag-yosi at mag-inuman. Naka-ilang hithit lang ako at pumasok na rin ako sa bahay para gawin ang weekly task ng kakambal ni Big Brother.
Pumasok na ako agad sa kwarto ko at inumpisahan mag-tiklop ng mga damit. Hindi naman talaga ganun kagulo ang kwarto ko pero metikulosa kasi si Mama, kaya kahit gatiting lang na dumi paniguradong hindi makakaligtas sa sensors niya. Nagtiklop na rin ako ng bed sheet at tinanggal ko isa-isa ang mga pillow cases. Tinatamad na ako, ganito pa lang. Paano pa kaya kung mas malala pa?
Hindi ko napansin na may nahulog pala na unan sa ilalim ng kama ko. Ang gulo ko kasing matulog eh. Kinuha ko agad at tinanggal ko na agad ung pillow case. Nagulat ako dahil may nahulog. Kinuha ko ung nahulog at mas ikinigulat ko ang nakita ko.
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan ng itapon
“Louie, san tayo pupunta ngayon? Pagod na ako kakaikot dito sa Trinoma!” may poise pa rin ang pagkakasabi ni Ann habang naghahanap siya ng pwedeng maupuan. Wala pa nga kaming 30 minutes na nag-iikot pero heto siya at hinihingal na. Madali talagang ma-lowbaatt itong babaeng ‘to. Kailangan ko ng i-charge.
“Ano ka naman Ann. Wala pang 30 minutes, lowbatt ka na agad?”
“Anong magagawa ko? Sa madali nga akong mapagod eh!” ngumiti siya bigla pagkasabi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti na rin. Ang ngiti niya kasi ang isa sa pinakamalalang sakit dahil sobrang nakakahawa. Lalo lang akong nahuhulog sa bawat ngiti niyang ginagawa.
“Oh siya, labas na tayo ng Trinoma. Gusto ko pa naman sanang mag-window shopping pero tara na sa McDo para i-charge ka” pagkasabi ko pa lang nito, agad siyang nabuhayan. Lumapit siya sakin at hinawakan ung kamay ko na ikinagulat ko.
“Tara na! Bilhan mo ako ng McFloat saka Fries” at nag-simula na kaming mag-lakad papuntang McDo. Ang saya sa feeling na hawak-hawak mo ang kamay ng taong pinapanga-pangarap mo sa araw-araw at ipinagdadarasal at ipinagtitirik ng kandila sa Quiapo.
Sa loob ng McDo, pinaghanap ko na siya agad ng table naming at ako na ang oorder. Ganito palagi ang setup namin kahit sa school. Medyo mahaba ang pila kaya nakakainip. Biglang tumunog ung phone ko. Tinignan ko at akala ko si Mama, hinahanap ako. Tumakas lang kasi ako para lang makipag-date. Mali ang akala ko dahil si Ann ang nag-text.
“You look soooooooo bored. Smile, pretty boy. Tatanda ka niyan ” natawa naman ako pero agad kong itinigil dahil tinignan ako ng mga taong nakapila. Nawala tuloy ang boredom ko sa pagpila.
Pagkaorder ko ay agad ko siyang hinanap dahil sa bigat nito. Dalawang chicken fillet, tatlong extra rice, isang burger, dalawang McFloat na ang isa eh malaki at ang isa naman ay maliit at isang large fries. Ang sabi niya McFloat lang saka Fries pero alam ko namang hindi lang un ung kakainin niya. Ganun lang lagi ang excuse niya dahil ayaw niyang maexpose ang lihim niya na matakaw talaga siya. Kanya ang dalawang extra rice dito, ung burger, ung large na McFloat at ung large fries. Pag-upo ko pa lang sa upuan, bumungad na sakin ang malaking ngiti niya. Hindi na siya nag-salita at nag-simula ng kumain.
Pinapanood ko lang siya. Nakakatuwa kasi siyang panoorin dahil poise kung poise ang pagkain pero ang dami naman niyang kinakain. Ang ipinagtataka ko lang talaga, ang payat niya pa rin.
“Wag mo na akong panoorin kumain! Nahihiya ako! Kumain ka na rin at magconcentrate ka na lang diyan kesa sakin” pabulong niyang sinabi at natawa naman ako. Ayaw niya kasing pinapanood siyang kumakain dahil nako-conscious daw siya.
Pagkatapos kumain ay tatayo na sana ako senyales na uuwi na kami nang bigla niya akong pigilan sa pagtayo.
“Picture muna tayo tas ipiprint ko tas ibibigay ko sayo” napakamot ako ng ulo sa sinabi niya.
“Pwede mo namang ipasa na lang via Bluetooth ung pics. Masyado ka talagang makaluma”
“Mas maganda kasi pag talagang picture na matatawag. Ung pwedeng i-display sa bahay or sa kwarto para matinding remembrance” hindi ko na kinontra dahil di naman siya papatalo. Tumango na lang ako sabay ngiti na sarcastic. Hinampas naman niya ako sa braso.
“Smile na… boyfriend”
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon...
Itinigil ko ang pag-alala sa mga alaala namin. Gusto ko na siyang kalimutan. Ayoko ng maalala pa ang past namin. Tumayo na ako para bumaba para dalhin ang pillow cases na ipapalaba ko kay Manang pati na rin ang bed sheet ko na isang buwan na ata. Tinatamad akong palitan eh. Ayaw ko namang pagalaw ung kwarto ko. Gusto ko ganun lang yun sa ayos na nakasanayan ko. Pag-baba ko ay bumungad sakin si Mama.
“Louie, kunin mo na rin ung marurumi mong damit at ako na maglalaba. Tutulungan ko na si Manang Rosing ng madali siya” napakamot ako ng ulo. Inilapag ko na lang sa table ung maruming damit at muling pumanik para kunin ung mga marurumi kong damit.
Inisa-isa ko at kinuha ang basket ng marurumi kong damit. Papalaba ko na rin tuloy ung lab gown ko dahil hinihiram ni Joshua. Nag-sasummer kasi si loko, ibinagsak kasi halos lahat ng subjects. Binuksan ko ung cabinet ko pero hindi ko makita dun ung lab gown. Hinanap ko ng hinanap pero wala talaga dun. Naupo ako at inisip kung san ko ba nailagay yun at naalala ko na nilagay ko nga pala sa likod ng cabinet. Kinukuha kasi minsan ni Ate ung lab gown ko kapag marurumi ung kanya at nakalimutan niyang ipalaba. Pang-duktor kasi ung style ng lab gown ko kaya kinukuha niya. Kaya itinatago ko sa likod ng cabinet. Di naman marurumihan dahil may cover naman ung lab gown ko.
Pagkuha ko sa likod ng cabinet ko ay may nakita akong pamilyar na jacket. Dinampot ko at naupo akong muli sa gilid ng higaan ko. Pinagpag ko dahil marami ng alikabok. Sinuot ko bigla ung jacket at sinuksok ung dalawang kamay ko sa bulsa. Nagulat ako dahil may laman pala ang bulsa. Pagdukot ko nakita ko ang panyo… niya.
Ang jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit ng niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y... nasaktan
Nasan na kaya ung babaeng yun? Kanina pa ako naghihintay dito sa harap ng Star City pero wala pa rin si Ann. Sabi na nga ba ang ibig niyang sabihin sa 2pm eh mga bandang 3pm or 4pm. Ganun siya na “on-time” kausap.
Mali ako na 3pm or 4pm siya dadating dahil 5pm siya dumating. Badtrip ako nun dahil ang tagal kong naghintay sakanya. Tinetext ko si Ann at tinatawagan ko na rin at lagi niyang sinasabi na malapit na siya.
“Boyfriend sorry late ako”
“LATE? HINDI HINDI! AGA MO NGA ‘TE! AGA MO PA PARA SA CLOSING” napasigaw ako sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi? Uuwi na nga sana ako pero ewan ko ba at napako ata ang mga paa ko at nag-stay pa rin ako.
“B-boyfriend…”
“ANO!?”
“Sorry na boyfriend” niyakap niya ako. Wala na! Bwisit! GALIT AKO EH! GALIT! SOBRANG GALIT! Pero… eto at hinang-hina na ako sa ginawa niya. Nawala ung galit ko bigla.
“O-o-OO NA! Alam mo namang hindi kita matitiis” napangiti siya sa sinabi ko. Kinapa ko ung panyo ko dahil pinapawisan ako. Bigla kasi akong nag-init pero nung kinapa ko ung bulsa ko, wala ung panyo ko. Kinapa ko magkabila.
“Bakit may naiwan ka ba?” tanong niya. Hindi ko nasagot dahil nakatuon lang atensyon ko sa pagkapa ng panyo ko.
“Boyfriend pawis na pawis ka. Para ka naman kasing tanga! Kaiinit-init, suot mo pa yang jacket na bigay ko. Teka” napatingin ako sakanya at nagulat ako. Inaabot niya sakin ung panyo niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng ilang saglit at nag-aalangan na kuhanin dahil nahihiya ako kahit girlfriend ko siya. Nang maramdaman niya siguro na nagaalangan ako na kuhanin ung panyo niya, ipinunas na lang niya sa mukha ko ung panyo niya.
“Yumuko ka, di kita abot or umupo ka” natawa naman ako nung sinabi niya yun. Super natouch ako sa simpleng ginawa niya.
“Tara na sa loob ng Star City. Pinayagan ako hanggang 9pm kasi alam naman nilang ikaw ang kasama ko” ngumiti na rin ako. Legal kami sa pamilya namin pareho dahil alam naman nilang safe kami sa isa’t-isa at wala kaming gagawin na “violation”. Hinawakan na niya ung kamay ko at tumakbo at hinila ako.
“Dali na… boyfriend”
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon... mula ngayon…
“F***!” sigaw ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Bakit ba sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko pa naalala ang mga bagay na ito? Napakuha ako agad ng isang stick ng Marlboro. Lagi ko itong ginagawa para pigilan ang pag-iyak ko. Hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ang kanina’y madilim lamang na ulap, napuno na at hindi na napigilan ang pag-bagsak sa lupa.
Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya
Madilim ang langit ng araw nay un at nagbabadya ang malakas na ulan.
“Louie…” ang unang salitang narinig ko buong mag-hapon. Ang akala ko ay hindi na niya ako kakausapin pa pagkatapos ng nagawa ko.
“Ann, I’m sorry” niyakap ko siya agad. Wala akong ibang masabi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong pinipigilan niyang umiyak.
“Louie…” tinanggal niya ang mga kamay ko sa pagkakayakap sakanya. Nagulat ako dahil hindi siya ganun. Dati pag niyakap ko siya ay hindi niya ginagawa yun, pero iba na talaga ngayon.
“Ayoko na…” panandalian akong nabingi kasunod ng mga sinabi niya. Tumahimik ang buong mundo hanggang sa mag-salita na siya ulit.
“Masakit yung nangyari. Niloko mo ako, Louie. Kahit ano pang paliwanag mo na nalasing ka lang nung gabing yun, still NILOKO MO AKO” wala akong masabi dahil ako ang may mali.
“Mahal kita. Sobrang mahal kita. Alam mo yan, pero bakit mo ginawa yun?! marami akong gustong sabihin sakanya pero nawalan ako ng lakas para mag-salita. Naging pipi ako.
“I’m sorry Louie…” muli akong naging bingi
“I love you Louie…” muli akong napipi
“And goodbye…” at dun nabulag na ako. Hindi ko na kasi siya makita.
Lumakad na ako para sumakay sa kotse ko. Pagkaupo ko ay agad kong dinampot ang isang kaha ng Marlboro na nakatago sa ilalim ng driver’s seat. Napangiti ako bigla. Sigurado magagalit na naman yun pag nalaman ni Ann na… wala na nga pala siya. Agad na akong nag-sindi dahil lalabas na ang luha sa mga mata ko. Humithit ako para mapigilan ang tuluyang pag-bagsak ng luha. Pero kahit anong gawing hithit ko, hindi ko na napigilan. Nung mga oras ding yun, bumuhos na ang malakas na ulan.
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Bumalik ako sa kasalukuyan, eto at nakaupo pa rin at tulala habang humihithit ng yosi. Eto ang pangontra ko sa pag-iyak. Hithit ako ng hithit pero hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mumunting butil ng tubig galing sa aking mga mata. Kahit matagal na panahon na rin ang lumipas, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
Pero wala naman na akong magagawa. Nagawa kong lokohin siya, nagawa kong saktan siya ng sobra-sobra, at eto ang tamang kabayaran sa nagawa ko… ang mawala siya sa buhay ko.
Sa mga oras din na yun, tumayo ako at kumuha ng kahon ng sapatos. Kinuha ko ang lahat ng pictures naming dalawa, itinupi ko ang jacket na regalo niya sa akin nung monthsary namin, at ikinahon ko na rin kasama ang lahat ng aming mga alaala.
Magpapaalam na sayo
Magpapaalam na sayo
Magpapaalam na sayo
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Hindi ako bitter sakanya dahil wala akong karapatan na maging bitter sakanya, at wala naman siyang ginawang mali sa akin. Ako pa nga ang nagkasala sakanya. Pero sa buhay kasi, darating ka sa certain point na gugustuhin mo na lang kalimutan ang lahat para sa ikabubuti niyong dalawa. Kung patuloy mo kasing ikukulong ang sarili mo at ipapako sa sitwasyon na umaasa ka pa ring babalik siya, walang mangyayaring maganda. Iikot ang mundo, tatakbo ang oras, lalakad ng patuloy ang mga tao sa paligid mo, at maiiwan ka lang.
Pinagsisihan ko na ang ginawa ko. Dun ko napatunayan na walang backspace ang buhay. Hindi katulad sa MS Word na pwede mong burahin ang maling naisulat mo at baguhin para gawing tama. Freewriting ang style ng buhay. Tuluy-tuloy na pagsusulat at walang balikan para itama ang maling spelling.
“Louie, andito bumaba ka nga diyan!” ayan na naman si Momsky, Adolf Hitler style.
“Bakit Ma?” napakamot ako ng ulo. Bumaba na rin ako kasama ang isang munting kahon.
“Andito si Tricia, ung bestfriend mo”
Credits to Mr Arcizei.